Inihayag ng Philippine Consulate General sa Los Angeles na puno na ang lahat ng appointment slots para sa dual citizenship at passport application hanggang sa katapusan ng 2020. Ang ibang mga serbisyo ng Konsulado ay gagawin sa pamamagitan ng in-person appointment o sa pamamagitan ng sulat. Mahigpit na ipatutupad ang mga appointment para sa mga in-person services. Para sa iba pang impormasyon sa mga kinakailangan (requirement) para sa mga nasabing serbisyo, bumisita sa website ng Philippine Consulate General sa Los Angeles.
Source: Philippine Consulate General in Los Angeles