Kung nakararanas kayo o ang inyong mahal sa buhay ng pagkabalisa, kalungkutan, o pagkalumbay, at nagkakaroon kayo ng kaisipan na nais ninyong magpakamatay, nakikiusap kaming agad kayong humingi ng saklolo. Maaari kayong tumawag sa mga hotline na ito:
- 911
- Substance Abuse and Mental Health Services Administration’s (SAMHSA) Disaster Distress Helpline at 800-985-5990
- National Suicide Prevention Lifeline at 800-273-8255
- Crisis Text Line by texting TALK to 741741
Kung ang inyong mahal sa buhay ay lumapit sa inyo at nagsabi na mayroon silang intensyon na saktan ang kanilang sarili o kitilin ang kanilang sariling buhay, pinapayuhan kayong gamitin ang limang hakbang ng Mental Health First Aid:
- Alamin ang panganib na sila ay mananakit ng sarili o magpapakamatay
- Makinig nang walang panghuhusga
- Paalalahanan sila na hindi sila nag-iisa
- Himukin silang sumangguni sa mental health professional, kung may kakayanan
- Himukin silang humanap ng mga paraan para palakasin ang sarili
Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa: American Foundation for Suicide Prevention