Kung kayo ay isang essential healthcare worker sa California at kailangan ninyo ng lugar na matutuluyan dahil may mga kapamilya kayo na tinuturing na high-risk sa malalang sakit mula sa COVID-19, maaari kayong maging eligible para sa temporary housing sa pamamagitan ng The Non-Congregate Sheltering (NCS) for California Healthcare Workers Program.
Ang programa na ito ay naglalayong mapanatiling ligtas at malusog ang mga healthcare worker ng California habang binabawasan ang pagkalat ng COVID-19 virus. Sa pamamagitan ng programang ito, ang mga healthcare worker na nagbibigay ng critical care para sa mga COVID-19 patients ay binibigyan ng matutulugan sa mga kalahok na hotel, upang hindi na nila kailangan umuwi at ma-expose ang kanilang mga mahal sa buhay sa sakit na COVID-19. Pagkatapos ng kanilang shift sa ospital, maaari silang magpahinga sa hotel na malapit sa kanilang healthcare facility nang libre o may discount.
Source: covid19.ca.gov