Epektibo nga ba ang face mask sa pagbawas ng pagkalat ng COVID-19?
Sa mga pagkakataon na kailangan ninyong lumabas ng bahay nang sandali para sa mga esensyal na lakad, tulad ng pagbili ng mga grocery at pagbili ng resetang gamot, inirerekomenda na magsuot kayo ng face mask o telang pantakip sa mukha.
Ang pagsusuot ng face mask, kabilang sa tamang paghuhugas ng kamay at pagdistansyang sosyal, ay ang pinakamabisang depensa ng mga indibidwal at mga komunidad kontra COVID-19. Kung kailangan ninyong lumabas ng bahay at makisalamuha sa ibang tao na hindi nakatira sa inyong bahay, ipinagbibilin sa inyo na magsuot ng face mask.
Ang pagsusuot ng face mask ay hindi sapat para panlaban sa COVID-19, kailangan din ninyong panatilihing malinis ang inyong mga kamay at iwasan ang paghawak sa inyong mga mata, ilong, at bibig, maliban pa sa paglayo sa ibang tao nang higit 6 na talampakan.
Ang pagsusuot ng face mask ay maaaring magbigay sa inyo ng huwad na pakiramdam na kayo ay ligtas mula sa COVID-19, kayaāt kailangang maging mapagbantay at sundin ang mga stratehiya na base sa siyensya para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Mahalagang malaman ninyo na ang pagsusuot ng face mask ay hindi sapat na pamalit sa pananatili sa bahay at pagbabawas ng pakikisalamuha sa ibang tao sa mga sitwasyon hindi tinuturing na esensyal.
Kung kayo ay na-expose sa mga taong nag-positibo sa COVID-19, maaari din ninyong makuha ang COVID-19 at makahawa kayo ng ibang tao nang hindi ninyo nalalaman. Ang mga taong nahahawa ng COVID-19 ay kadalasang nakakahawa bago pa man lumabas ang mga sintomas ng sakit.
Sa tuwing magtatakip kayo ng ilong at bibig, nababawasan ang tsansa ninyong makakalat ng mga droplets na nagdadala ng COVID-19, at nakakatulong kayong hindi na maipasa ang sakit sa iba.
Kapag nakasuot kayo ng face mask, mas madalang ninyong nahahawakan ang inyong mukha. Ito ay mahalaga sapagkat ang paghawak sa inyong mukha matapos humawak sa mga surface na kontaminado ng COVID-19 at nakadaragdag sa tsansang magkaroon kayo ng sakit.
Source: LA Public Health