Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Mayroon bang mga resource para sa mga biktima o potensyal na biktima ng human trafficking?

PAUNAWA: Hindi ito komprehensibo at kumpletong listahan. Patuloy kaming magdaragdag ng mga serbisyo dito.

National/Internasyonal

Ang National Human Trafficking Hotline ay nag-uugnay sa mga biktima at nakaligtas sa sex at labor trafficking sa mga serbisyo at suporta upang makakuha ng tulong. Ang numero para sa toll-free at 24/7 hotline sa 24/7 ay 1-888-373-7888 (TTY: 711).

Ang National Human Trafficking Referral Directory ay binubuo ng mga anti-trafficking na organisasyon at programa na nag-aalok ng emergency, transitional o long-term na serbisyo para sa mga biktima at survivor ng human trafficking.

Kumikilos ang Survivors Alliance upang pagkaisahin at palakasin ang mga nakaligtas sa slavery at human trafficking sa buong mundo upang sila ay maging mga lider ng kilusang anti-slavery.

Ang Global Modern Slavery Directory ay isang database ng higit sa 2,900 na mga samahan at hotline na nagtatrabaho sa human trafficking at sapilitang paggawa sa buong mundo.

Los Angeles Area

Ang Karapatan Mo Sa America ay isang proyekto ng Asian American Advancing Justice - Los Angeles at dinisenyo upang mabigyan kayo ng kritikal na legal na impormasyon tungkol sa inyong mga karapatan bilang isang migranteng manggagawa sa Estados Unidos.


Sinimulan ng Pilipino Workers Center (PWC)  ang Break Free, isang nationwide na kampanya upang magpakalat ng kamalayan sa mga panganib ng labor exploitation at wakasan ang human trafficking. Humahawak ang PWC ng mga kaso para sa mga biktima ng labor trafficking. Makipag-ugnayan sa PWC sa pamamagitan ng pagtawag sa (213) 250-4353 o mag-email sa aurora@pwcsc.org.


Ang  Coalition to Abolish Slavery and Trafficking (CAST) ay kumikilos upang wakasan ang modern slavery at human trafficking sa pamamagitan ng mga serbisyo sa mga survivor at isang platform upang magtaguyod ng mga groundbreaking na policy at batas. Tumawag sa 24-oras na hotline ng CAST sa numerong 888-KEY-2-FREE (888-539-2373).

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa