Bumalik sa panimula

Negosyo

Paano makapag-aalok ng delivery o pickup ang aking negosyo?

Binago ng pandemyang COVID-19 ang paraan ng pagpapatakbo natin ng negosyo, at ngayon higit kailanman ay mahalagang magtaguyod ng mga bagong pamamaraan ng pagpapadala ng produkto at serbisyo gamit ng delivery at pick-up sa halip na pisikal na pakikipagkita.

Ayon sa mga eksperto sa digital commerce, umangat nang halos 47% ang mga online order sa Amerika noong Marso at Abril, 2020.

Maraming bumili ng mga produkto sa internet, lalo na sa mga gamit pang-opisina, pang-ehersisyo, pang-ayos sa bahay, at panlibangan.

Narito ang ilang mga paraan na maaaring gawin upang ang iyong negosyo ay maging mapamaraan sa internet at magtaguyod ng delivery o pag-pickup:

  • Gumawa ng social media accounts para sa inyong negosyo. Kung gumagamit kayo ng social media para sa personal na mga layunin, maaaring subukan ang social media para maibenta ang inyong mga produkto at serbisyo. Pumili ng isang platform na komportableng gamitin para sa inyo at simulan ang pagpo-post ng inyong mga produkto na pwedeng i-deliver o i-pickup. Maraming mga negosyo ang gumagamit ng social media upang itampok ang kanilang mga produkto at serbisyo, ianunsyo ang mga bagong produkto at oras ng paglalabas nito, at lumikha komunidad sa internet na sumusuporta sa inyong negosyo.
  • Pumili ng isang ecommerce platform na akma sa iyong negosyo. Ang mga maaaring pagpilian ay Amazon, eBay, at Etsy. Kung ang inyong nais ay gumawa ng sariling website, maaaring maglagay ng ecommerce plugin. Maraming mga website na nagbibigay ng libreng kaalaman tungkol sa uri ng platform ang pinaka-akma sa pangangailangan ng inyong negosyo.
  • Bumuo ng stratehiya para sa shipping at fulfillment. Gumawa ng plano kung paano ninyo maipapadala ang inyong mga produkto sa pinakamabilis na paraan. May mga makabagong teknolohiya upang maipatupad ang mga proseso ng inventory, shipping, at fulfillment.

Maraming mga negosyo ang nagsimulang mag-alok ng curbside pickup at drop-off o paghahatid na walang kontak. Pumili ng prosesong akma sa iyong negosyo, upang manatiling kompetitibo sa panahong ito.

Source: Payability, Forbes

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo