Ako ay isang gig worker. Anong mga resource ang mayroon para sa akin para makakuha ng unemployment?
Kung hindi kayo nakakakuha dati ng regular na Unemployment Insurance (UI), maaari kayong mag-qualify para sa Pandemic Unemployment Assistance (PUA). Ayon sa federal CARES Act, maaari kayong maging eligible para sa PUA kung nabibilang kayo sa mga sumusunod:
- May-ari ng negosyo
- Self-employed
- Independent contractor
- Mga taong may limitadong work history
- Mga taong nakakuha na ng kanilang regular UI benefits pati na ang mga extended benefit.
- Mga taong nagbabayad ng false statement penalty weeks sa kanilang regular UI claim.
Ayon sa Pandemic Unemployment Assistance, makakakuha ng hanggang 46 na linggo ng benepisyo para sa mga eligible na manggagawa. Maaari itong backdated mula ika-2 ng Pebrero at available ito hanggang ika-31 ng Disyembre sa taong 2020.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-apply para sa PUA, magtungo sa UI Online.
Source: EDD