Ang aking mga unemployment benefit ay nahinto dahil nabiktima ako ng fraud. Ano ang aking gagawin?
Kung ang inyong mga unemployment benefit ay nahinto dahil kayo ay nabiktima ng fraud, hindi kayo nag-iisa.
Humigit kumulang na 693,000 na mga taga-California ang nahintuan ng mga unemployment benefit dahil sa fraud prevention effort ng Employment Development Department (EDD) ayon sa strike report ng LAist.
Narito kung ano ang kailangan mong gawin upang maibalik ang inyong mga benepisyo, ayon sa EDD:
- Kung may taong nagsumite ng unemployment claim sa inyong pangalan, magsumite ng form upang isuplong ang pandaraya. Maaari kayong tumawag sa EDD Fraud Hotline sa 1-800-229-6297 (para sa pag-uulat ng pandaraya lamang) o fax 1-866-340-5484.
- Magpadala ng anumang mga fraudulent na dokumento o kasulatan sa EDD PO Box 826880, MIC 43, Sacramento, CA 94280-0225.
Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa: Legal Aid At Work, Legal Aid Foundation of Los Angeles