Ano ang Pandemic Emergency Unemployment Compensation (PEUC) extension?
Kung nakuha na ninyo ang inyong regular na Unemployment Insurance (UI) benefits at hindi na kayo qualified para sa bagong claim, maaaring eligible kayo para sa Pandemic Emergency Unemployment Compensation (PEUC) extension.
Ayon sa Employment Development Department of the State of California (EDD):
“Kadalasan, maaari lang kayong maka-koleta ng 26 na linggo ng regular state Unemployment Insurance (UI) benefits sa loob ng 12-buwan na benefit year. Ang Pandemic Emergency Unemployment Compensation (PEUC) ay naglalaan ng karagdagang 13 na linggo ng benepisyo kung nakuha na ninyo ang inyong natitirang UI benefits.
Ang extension na ito ay maaaring makuha mula ika-29 ng Marso hanggang ika-31 ng Disyembre taong 2020. Para mag-qualify, ang claim ninyo ay dapat nagsimula nang ika-8 ng Hulyo. Depende kung nakapag-file na kayo ng claim o nag-expire na ito, maaaring kailangan ninyo uling mag-apply. Magtungo sa Federal CARES Act Provisions for Unemployment para sa iba pang impormasyon.”
For more information, go to: EDD