Maaari ba akong ma-evict habang may COVID-19?
Nagbaba ng moratorium ang Los Angeles County Board of Supervisors para sa mga residential at commercial na pagpapalayas sa mga unincorporated na lugar sa Los Angeles County dahil sa pandemyang COVID-19.
Ang mga lungsod tulad ng Los Angeles City, Santa Monica, West Hollywood, and iba pang kasama sa comprehensibong listahan ay mga katulad na moratoriyum sa pagpapalayas.
Nagpatupad ng rent freeze ang Los Angeles County Board of Supervisors para sa mga rent stabilized na unit sa mga unincorporated na lugar sa Los Angeles City. Kung nais ninyong malaman kung ano ang moratorium na pinatutupad sa inyong lugar, maaari kayong sumagguni sa Rent Stabilization Unit sa numerong (833) 223-RENT (7368) o padalhan sila ng email sa rent@dcba.lacounty.gov.
Ang California Tenant, Homeowner, and Small Landlord Relief and Stabilization Act of 2020 ay naipatupad simula ika-31 ng Agosto, 2020. Ang batas na ito ay nagpoprotekta sa mga nangungupahan na nahihirapang magbayad-upa dahil sa impact ng COVID-10.
Pinoprotektahan din ng batas na ito ang mga nangungupahan laban sa mga “no cause” na pagpapalayas, kung saan hindi nagsasaad ng dahilan ang may-ari para palayasin sila.
Source: DCBA, LA County Board of Supervisors, Cal DRE