Sino ang maaaring maglakbay papuntang Pilipinas?
Mula Agosto 10, 2020, ang mga sumusunod ay maaaring maglakbay papunta sa Pilipinas:
- Ang mga Filipino o ang mga dual citizen sa pamamagitan ng pagkapanganak, na may valid na passport o anumang dokumento na nakasaad sa RA 9225. Dapat kayong sumangguni sa inyong airline upang malaman kung maaari kayong maglakbay gamit ang orihinal o certified true copy ng inyong mga dokumentong nagpapatunay ng inyong dual citizenship o kung kailangan pa ninyo ng valid na Philippine passport at iba pang mga dokumento.
- Ang mga opisyal ng mga pamahalaan ng ibang bansa at mga pandaigdigang organisasyon at ang kanilang dependents ay mangangailangan ng Visa 9(E) mula sa Department of Foreign Affairs.
- Ang mga asawa at anak na banyaga na maglalakbay kasama o pupunta sa Pilipinas upang makasama ang kanilang mga asawa o magulang na Filipino citizen ay papayagang makapasok sa Pilipinas kung mayroon silang kaukulang visa: (1) Foreign spouses of Filipino Nationals; (2) Foreign minor children ayon sa IATF-EID Resolution No. 60.
- Mga banyagang airline crew o mga mandaragat
- Mga mayroong Sec 13 visa o mas kilala bilang Quota Visa, Immigrant Visas issued by reason of Marriage to a Filipino (13-A), returning Former Filipino (13-G), Child born to an Immigrant Visa holder (13-C), at returning Alien Resident (13-E)
- Mga mayroong RA 7917 visa na mga banyagang may permanent residence status sa Pilipinas sa pamamagitan ng Republic Act 7919 o Alien Social Integration Act
- Mga mayroong EO 324 visa na banyagang may permanent residence status sa Pilipinas sa pamamagitan ng Executive Order 324 o Alien Legalization Program of 1988
- Native-born visa holders o mga taong ipinanganak sa Pilipinas at may magulang o mga magulang na may permanent residence status at may RA 7919 o EO 324 visa.
- Mga Indian National na may Temporary Resident Visa at nabigyan ng temporary residence status sa ilalim ng Sec. 13 ng CA 613 at Bureau of Immigration Memorandum Order No. ADD-01-038, ayon sa Bureau of Immigration Letter Directive No. JHM-2020-140 na may petsang 20 July 2020
- Mga Chinese National na may Permanent Resident Visas by Reason of Marriage to Filipino Citizens at nabigyan ng permanent residence status sa ilalim ng Sec. 13-A ng CA 613 at Bureau of Immigration Memorandum Order No. MCL-07-021, ayon sa Bureau of Immigration Letter Directive No. JHM-2020-140 na may petsang 20 July 2020