Kailangan kong lumipad pauwi sa Pilipinas. Makadaragdag ba ito sa tsansang makakuha ako ng COVID-19?
Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na iwasan ang hindi mahalagang paglalakbay na pang-internasyonal, lalo na sa mga patunguhang may mataas na kaso ng COVID-19.
Noong Oktubre 13, 2020, idineklara ng CDC na ang Pilipinas ay high-risk destination o destinasyon na mataas ang peligro sa COVID-19. (Basahin ang: CDC COVID-19 Travel Recommendations by Destination)
Maaaring maging vulnerable kayo sa COVID-19 habang naglalakbay sa himpapawid dahil gugugol kayo ng oras para pumila sa mga linya ng seguridad at mga terminal ng paliparan, kung saan hindi ninyo laging mapapanatili ang pagdistansyang sosyal o maaaring magkaroon kayo ng close contact sa mga taong maaaring may COVID-19.
Ipinakita sa mga pag-aaral na ang karamihan sa mga virus at mikrobyo ay hindi madaling kumalat sa mga flight dahil sa sirkulasyon ng hangin at pagsasala sa mga eroplano. Gayunpaman, kung naka-iskedyul kayong sumakay sa punong eroplano kung saan at maaaring hindi ninyo mapanatili ang pagdistansyang sosyal sa loob ng maraming oras, maaari nitong madagdagan ang inyong peligro para sa pagkakalantad sa virus na sanhi ng COVID-19.
Source: CDC