Bumalik sa panimula

Travel at Transportasyon

Maaari bang umuwi ng Pilipinas kasama ko ang aking banyagang asawa at mga anak nang walang visa?

Na-update noong January 1, 2021:

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas:

Ang Estados Unidos ay isa sa mga bansang nakalista sa Travel Restrictions and Information for Passengers Transiting Concerned Areas. Ito ay ayon sa Malacañang Palace Memorandum na nailathala noong December 29, 2020 tungkol sa regulasyon ng pagpasok ng mga manlalakbay na papasok sa Pilipinas o magta-transit mula sa mga lugar na may mga kaso ng bagong variant ng COVID-19. Basahin ang panukala ng DFA dito:

Ayon sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, ang mga banyagang asawa at bata ay maaaring maglakbay kasama ng mga Filipino citizen sa Pilipinas nang walang visa. Mula Disyembre 7, 2020, ang Bureau of Immigration ay naglabas ng mga alituntunin tungkol sa mga exemption mula sa pagsuspinde ng Balikbayan Privilege:

  • Ang mga dayuhang asawa at anak ay maaari nang bumiyahe sa Pilipinas kasama ang isang Filipino citizen o Balikbayan at sila ay makakapasok nang walang visa sa tulong ng Balikbayan Privilege.
  • Ang mga dayuhang asawa at anak na eligible maglakbay mula sa mga bansa na walang visa requirement at HINDI naglalakbay kasama ang isang Filipino citizen o Balikbayan ay nangangailangang kumuha ng naaangkop na entry visa.
  • Ang mga Filipino citizen o Balikbayan na babalik sa Pilipinas mula sa mga bansa na may visa requirement ay walang karapatang makapasok nang walang visa at dapat kumuha ng naaangkop na entry visa bago lumipad sa Pilipinas.

Maaari kayong tanungin para sa sumusunod na dokumentasyon upang patunayan ang pagiging eligible sa mga Balikbayan Privilege pagpasok sa Pilipinas:

  • Para sa mga banyagang asawa, maaaring hilingin sa kanila na magpakita ng Certified True Copy ng PSA o Apostilled Marriage Certificate, at/o lumang stamp ng imigrasyon na may katayuang Balikbayan
  • Para sa mga batang dayuhan, maaari silang hilingan ng kopya ng Birth Certificate na nagpapakita na ang isa o pareho nilang magulang ay mga Filipino citizen o Balikbayan, isang kopya ng dating naisyu na pasaporte ng Pilipinas, isang dating stamp ng imigrasyon na may katayuang Balikbayan, o isang Orihinal o Certified True Copy ng Decree of Adoption kung sila ay ligal na inampon
  • Para sa mga former na Filipino citizen, maaaring hilingin sa inyo ang kopya ng PSA-certified na Birth Certificate, kopya ng dating naisyu na pasaporte ng Pilipinas, o dating stamp ng imigrasyon na may katayuang Balikbayan
  • Lahat ng nagbabalak pumasok sa Pilipinas ay dapat mag-book ng COVID-19 test at quarantine facility bago lumipad sa Pilipinas
  • Ang lahat lilipad patungong Pilipinas ay sasailalim sa maximum na dami ng pasaherong papapasukin sa port of entry sa kanilang petsa ng pagdating

Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa: PH Consulate in LA

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo