Bumalik sa panimula

Negosyo

Mayroon bang mga grant para sa mga women-owned at minority-owned na small business?

Habang ang pandemyang COVID-19 ay mas nagpahirap ang pag-aari ng negosyo, mahalagang malaman na hindi kayo nag-iisa at maraming resource upang matulungan kayong maka-agapay. Narito ang ilang mga gawad at mapagkukunan upang matulungan kang mapanatili ang iyong negosyo:

Small Business Administration (SBA) programs

The CARES Act ay nagtayo ng maraming mga bagong pansamantalang programa upang matugunan ang paglaganap ng COVID-19. Matuto nang higit pa tungkol sa mga available na programang tulong sa SBA COVID-19 na angkop para sa inyong negosyo.

COVID-19 Business for All Emergency Grant: Hello Alice Business Resource Center

Ang Hello Alice ay nag-aalok ng mga $10,000 grant na agarang ipinamamahagi sa mga may-ari ng small business na lubhang naapektuhan ng COVID-19, bilang bahagi ng kanilang mas pinalawak na misyon upang masiguro ang Business for All.

  • SBA Loans Through MBE Capital Partners: Funding Provided by EquiTrust and Magic Johnson

Si Magic Johnson, ang CEO ng Magic Johnson Enterprises sa pakikipag-ugnayan sa MBE Capital Partners ay nag-aalok ng kabuuang $100 million sa pautang para sa mga minority- and women-owned companies na lubhang naapektuhan ng mga stay-at-home order dahil sa COVID-19. Alamin kung paano mag-aapply dito.

Ang Emergency Microloan Program ay binuo upang tulungan ang mga negosyo at non-profit sa Long Beach na may mas kaunti sa 5 empleyado na lubhang naapektuhan sa kanilang pinansyal na kakayahan dulot ng COVID-19.

Nagbibigay ang Verizon ng mga grant na hanggang $10,000 sa mga negosyong nakararanas ng financial pressure dahil sa Covid-19 - lalo na ang mga negosyong pagmamay-ari ng mga minority at mga kababaihan.

  • Facebook Small Business Grants Programs

Ang Facebook ay tumutulong sa 30,000 na negosyong apektado ng COVID-19, sa pamamagitan ng pag-aalok ng $100M na cash grant at ad credit. Tingnan ang mga detalye ng application dito.

Ang FedEx Small Business Grant Contest ay programa ng FedEx upang gawaran ang mga maliliit na negosyo sa Estados Unidos ng mga grant upang matulungan silang palakihin at palaguin ang kanilang negosyo.

The FedEx Small Business Grant Contest is a grant program by FedEx to award U.S. based small businesses with grants to help them grow and scale their business.

Ang Amber Grant ay grant para sa mga kababaihang may-ari ng negosyo ayon sa WomensNet. Mula noong 1998, ang Amber Grant na $10,000 ay iginawad kada buwan, at isa sa 12 buwanang tatanggap ay makatatanggap ng karagdagang $25,000.

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo