Paano ako makakukuha ng mga small business loan?
Pinalawig ng U.S. Small Business Administration (SBA) ang kanilang programang pampuhunan na may mababang halaga para sa mga negosyong apektado ng coronavirus sa pamamagitan ng programang Economic Disaster Injury Loan (EIDL). Hanapin ang kinakailangang impormasyon tungkol sa mga small business loan mula sa SBA dito.
Kung ang inyong negosyo ay nasa idineklarang apektadong lugar ng kalamidad, at kayo ay apektado ng iba pang mga kalamidad tulad ng mga bagyo, pagbaha, pagkasunog, o social unrest, maaaring humanap ng impormasyon sa mga programang pautang na walang kinalaman sa COVID-19 gaya ng programang Economic Disaster Injury Loan dito.
Bukod pa rito, maaaring humanap ng mga programang pinansyal mula sa inyong lokal na pamahalaan na para sa mga negosyante. Magtanong sa inyong lokal na awtoridad sa pagnenegosyo upang malaman kung mayroong mga pagpipilian na magagamit para sa inyong negosyo.
- Mga programang pautang mula sa LA County Economic Development (LAEDC)
- Pampuhunan sa negosyo mula sa LA Consumer at Business Affairs (DCBA)
Maaari rin kayong maghanap ng impormasyon sa iba't ibang uri ng pautangan para sa pagnenegosyo mula sa Fundera.
Makipagtulungan sa inyong lokal na bangko upang talakayin ang iba't ibang uri ng mga pagpipilian sa pangungutang.
Source: SBA