Ang aking ospital ay may limitadong supply ng PPE. Paano ko mapapatagal ang gamit ng aking PPE at manatiling ligtas?
Kahit may kakulangan ng supply ng Personal Protective Equipment (PPE), lubhang mahalaga na panatilihing ligtas ang inyong sarili habang nagtatrabaho bilang healthcare worker sa ospital.
Ayon sa CDC, hindi inirerekomenda ang paggamit ng PPE na hindi ayon sa standard infection prevention and control (IPC). Gayunpaman, sa panahon ng krisis at kakulangan ng supply ng PPE sa inyong pinagtatrabahuhan, maaari kayong gumamit ng mga emergency strategy para mapatagal ang gamit ng inyong PPE habang nasa isip ang pag-iwas sa exposure sa COVID-19.
Kung kayo ay nauubusan na ng PPE, maaari ninyong isaalang-alang ang paggamit ng reusable na PPE katulad ng mga cloth gown at reusable goggles, kung available. Sundin ang panuto ng manufacturer para sa paglilinis at pagdidisinfect ng inyong PPE, at mayroon dapat na staff para masiguro na ang mga ito ay dumaan sa kumpleto at masinsing reprocessing.
Kung kayo ay magsasagawa ng reprocessing ng PPE, siguraduhin ninyong madalas na inspeksyunin ang mga ito para sa mga sira o butas dahil sa pagkagamit na maaaring makaapekto sa kakayahan nitong protektahan kayo sa COVID-19. Ito ay lubhang mahalaga dahil ang paggamit ng sirang PPE ay magbibigay sa inyo ng huwad na kaligtasan habang kayo na naka-expose sa mga droplets na nagdadala ng COVID-19 virus.
Source: CDC