Bilang essential worker, paano ko malalaman kung ang LA Metro ay maasahan ko upang maiwasan ang COVID-19?
Ayon sa LA Metro, narito ang ilang mga hakbang na maaari ninyong maasahang makita bilang pagtugon nito sa COVID-19:
- Simula Mayo 11, 2020, ipinatupad ang pagsusuot ng pantakip sa mukha sa lahat ng mga bus at tren ng Metro.
- Nagkabit ng mga sanitation station at dispenser ng hand sanitizer sa mga pangunahing transit stop at istasyon upang hikayatin ang mga empleyado at pasahero na magsanay ng kalinisang pansarili, dahil ito ang isa sa mga subok na paraan upang maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng COVID-19.
- Pinalakas ng LA Metro ang mga hakbang para sa paglilinis at pagdidisimpekta, na nakatuon sa mga madalas hawakang surface tulad ng mga handrail, pindutan ng elevator, at TAP vending machine. Ang mga bus at tren ay nililinis isang beses araw-araw o higit pa gamit ang mga disinfectant na aprubado ng EPA.
- Ang karagdagang mga karatula at iba pang nakasulat na komunikasyon ay makikitang nakapaskil upang ipaalam sa publiko ang mga maaaring gawin para mabawasan ang peligro ng pagkahawa at pagkalat ng COVID-19.
- Isinara ng LA Metro ang mga piling pasukan ng ilang mga istasyon ng subway na may higit sa isang pasukan.
- Ipinatupad ang pagsakay sa likuran para sa lahat ng mga bus. Ang mga nangangailangan ng access sa mga unahang pintuan ng bus at elevator ay magpapatuloy na magkaroon ng access alinsunod sa mga regulasyon ng ADA.
Ang mga hakbang na ito upang makatulong na mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 ay pinakamahusay na gagana kung sinusunod ninyo ang mabubuting gawi pangkalinisan tulad ng ipinayo ng mga public health authority.
Hugasan ang inyong mga kamay o gumamit ng hand sanitizer na may 60% alkohol o higit pa. Manatili sa bahay at bawasan ang mga hindi kinakailangang gawain o paglalakbay hangga't makakaya. Takpan ang inyong bibig ng tisyu o ng loob ng inyong siko kapag umuubo o bumahing. Magsuot ng face mask o telang pantakip sa mukha kung lalabas ng bahay, at panatilihin ang pagdistansyang sosyal na hindi lalapit sa 6 na talampakan mula sa mga taong hindi kasama sa bahay.
Para sa karagdagang impormasyon at mga update, magtungo sa: The Source