Bumalik sa panimula

Unemployment

Ano ang aking gagawin pagkatapos kong mag-apply para sa unemployment?

Kapag nakapag-file na kayo ng claim para sa Unemployment Insurance (UI), heto ang mga maaari ninyong gawin upang makasiguro na makukuha ninyo ang mga benepisyo ng UI:

  • Maghintay ng mga dokumento mula sa Employment Development Department of the State of California (EDD).
  • Magbigay sa EDD ng impormasyon na makakatulong sa inyong mag-qualify para sa unemployment benefits. Ang proseso na ito ay tinatawag na “certifying for benefits”.
  • Magbigay sa EDD ng karagdagang impormasyon na ma-verify ang inyong identidad.
  • Maglaan ng panahon para sa phone interview kung sakaling humiling ang EDD ng karagdagang impormasyon upang ma-verify ang inyong identidad. Ang interview na ito ay isang oportunidad upang ma-review ninyo ang inyong aplikasyon para sa unemployment insurance at ma-justify ninyo kung paano kayo nagka-qualify para sa unemployment benefits base sa inyong kalagayan.
  • Mag-register sa CalJOBS sa loob ng 21 na araw na kayo ay nag-file para sa Unemployment Insurance.

Kapag na-proseso na ang inyong Unemployment Insurance (UI) claim, matatanggap ninyo ang inyong EDD Debit Card sa inyong mail.

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa: EDD

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo