Ano ang social distancing?
Ang social distancing, na tinatawag ding pagdistansiyang sosyal o pisikal, ay isang gawing naghihimok sa lahat na tumulong sa pagbawas ng pagkalat ng COVID-19. Pinapayuhan ang lahat na manatili sa kanilang bahay hangga’t maaari, umiwas sa malalaking grupo ng tao, at panatilihin ang 6 na talampakang distansya sa iba.
Lahat tayo ay makababawas sa pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagtataya na panandaliang baguhin ang ating pamumuhay para maprotektahan ang ating sarili at mga mahal sa buhay.
Kung babawasan natin ang pakikisalamuha nang pisikal sa ibang tao, mapipigilan natin ang pagkalat ng COVID-19 sa isa’t-isa.
Kaya nating lahat na magdistansiyang sosyal. Maaari ninyong gawin ang mga sumusunod:
- Manatili sa bahay hangga’t maaari.
- Iwasan ang mga pagtitipon at paglalakbay na hindi lubhang kailangan. Huwag pumunta sa mga lugar na siguradong maraming tao hangga’t maiiwasan. Mas mabuting umiwas sa pagsakay sa pampublikong transportasyon.
- Panatilihin ang 6 na talampakang distansya sa mga hindi kasama sa bahay.
- Kung maaari, piliing magtrabaho o mag-aral sa bahay. Huwag munang bisitahin ang mga kapamilya at kaibigan sa kanilang mga bahay at huwag tumanggap ng mga bisita.
- Kapag babati ng ibang tao, iwasan ang mga yakap o pakikipag-kamay. Humanap muna ng ibang paraan upang bumati at ipadama ang pakikipagkapwa sa iba maliban sa pisikal na hawak.
Source: LA Public Health
Translation reference: Diksyonaryong COVID-19