Anu-anong hakbang ang ginagawa ng mga transit agency upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19?
Ang Federal Transit Administration (FTA) ay naglabas ng Safety Advisory 20-01 noong Abril 14, 2020, na may mga inirekomendang aksyon na maaaring gawin ng mga transit agency upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 para sa mga empleyado ng pampubliko na transportasyon at mga pasahero.
Ang mga sumusunod ay mga hakbang na may patnubay ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at ng Occupational Safety and Health Administration (OSHA):
- Lumikha at magpatupad ng mga patakaran at pamamaraan upang mabawasan ang peligro ng mga empleyado at mga pasahero na makakuha ng COVID-19.
- Magpatupad ng paggamit ng mga personal protective equipment o kagamitang pamproteksiyon sa sarili tulad ng mga face mask para sa kanilang mga empleyado, kontratista, at mga pasahero.
- Panatilihin ang regular na paglilinis at pagdidisimpekta ng mga lugar at bagay na ginagamit ng mga empleyado at pasahero.
- Lumikha at magpatupad ng mga hakbang upang matiyak na ang mga empleyado at pasahero ay may distansya na hindi lalapit sa anim na talampakan mula sa bawat isa, upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng close contact.
- Pagtibayin ang mga kasanayang pangkalinisan para sa mga empleyado at pasahero, kabilang ang naaangkop na mga hakbang sa paglilinis para sa mga transit facility at ang mismong mga sasakyan.
Makahahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga hakbang na maaaring gawin o isinasagawa ng mga transit agency upang protektahan ang mga pasahero at empleyado sa dokumento ng American Public Transportation Association (APTA) na pinamagatang, “The COVID-19 Pandemic, Public Transportation Responds: Safeguarding Riders and Employees.”
Source: Federal Transit Administration