Ilang tao na ang nakakuha ng COVID-19 mula sa pampublikong transportasyon?
Ayon sa ulat na kinomisyon ng American Public Transportation Association (APTA) at nailathala noong Setyembre 2020, walang mga pagsiklab ng mga kaso ng COVID-19 na malinaw na tinuturong nakuha sa intracity public transit tulad ng mga city bus at subway.
Nangangahulugan ito na minimal ang peligro sa paggamit ng pampublikong transportasyon hangga't ipinatutupad ang mga specific na hakbang sa pag-iingat. Ang mga hakbang na ito ay tumutukoy sa pagdistansyang sosyal, pagsuot ng mga pantakip sa mukha, paglinis at pagdisimpekta, pagpatupad ng tamang bentilasyon, at paghikayat sa mga pasaherong bawasan ang pag-uusap hangga’t maaari.
Kahit na ipinakita ng mga pag-aaral na may mababang posibilidad ng paghahatid ng COVID-19 sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon, dapat patuloy ang mga public transit agency na suriin ang kanilang mga patakaran at pamamaraan bilang tugon sa pandemyang COVID-19.
Maaari rin kayong makatulong na makabawas sa pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasanay ng mabuting kalinisang pansarili bilang unang depensa laban sa COVID-19, pananatili sa bahay hangga't maaari, at bawasan pansamantala ang iyong paglalakbay at pakikilahok sa mga pagtitipon kasama ang mga mahal sa buhay na hindi kasama sa bahay.