Paano ako makatitiyak na sinisiguro ng mga transit authority na ligtas ako habang sumasakay sa pampublikong transportasyon?
Ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at Occupational Safety and Health Administration (OSHA) ay bumuo ng mga pansamantalang alituntunin para sa mga tagapamahala ng mass transit upang matiyak na inuuna nila ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at pasahero.
Kung kayo ay gumagamit ng pampublikong transportasyon upang pumunta sa mga esensyal na lakad, narito ang ilan sa mga bagay na dapat mong makita mula sa iyong lokal na transit provider:
- Dapat mayroong mga pisikal na harang at iba pang mga hakbang na nagpapatupad ng pagdistansyang sosyal para sa mga empleyado at pasahero.
- Dapat mayroong mga paunawa at karatula kung saan nakatala ang mga hakbang sa pag-iwas sa COVID-19 (halimbawa, impormasyong pampubliko tungkol sa paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng personal protective equipment o kagamitang pamproteksiyon sa sarili, at pagpapanatili ng pagdistansyang sosyal sa isaβt-isa).
- Dapat may mga karagdagang hakbang upang mas lalong mapaigting ang paglilinis at pagdidisimpekta ng mga madalas na hinahawakang surface.
- Dapat may mga hakbang para sa inyo upang makaiwas na makakuha ng COVID-19 sa pamamagitan ng paggamit ng contactless payment at mga awtomatikong pintuan at basurahan.
Ito ang ilan sa mga hakbang na ginagawa ng mga tagapamahala ng mass transit upang matiyak ang inyong kaligtasan habang sumasakay ng pampublikong transportasyon para sa trabaho o esensyal na lakad.
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa: CDC