Gaano katagal bago lumabas ang mga sintomas ng COVID-19?
Maaaring tumagal ng 14 na araw o 2 linggo bago magpakita ng sintomas ang isang tao na nahawa ng COVID-19. Dahil mahirap matunton kung sino ang nagdadala ng COVID-19 bago lumabas ang kanilang mga sintomas, mahalagang magsuot ng face mask at bumukod sa mga kasama sa bahay nang 14 na araw matapos magkaroon ng exposure sa taong may COVID-19 upang mabawasan ang pagkalat ng sakit sa ating mga kapamilya at miyembro ng komunidad.
Source: LA Public Health