Kung nagkaroon na ako ng COVID-19, posible bang ako ay mahawang muli?
Ang mga eksperto sa kalusugan ay natututo araw-araw kung paano gumagana ang immunity mula sa sakit na COVID-19. Habang ang kaligtasan sa sakit pagkatapos ng impeksiyon ay nakita sa ilang mga indibidwal na nahawaan, ang ilang mga pag-aaral na isinagawa sa United Kingdom at Estados Unidos ay nakatagpo ng makabuluhang pagbaba ng dami ng mga antibodies sa mga taong gumaling mula sa COVID-19 ilang buwan pagkatapos ang kanilang paggaling. Hindi man lubos na nauunawaan kung gaano katagal ang immunity sa sakit para sa mga taong gumaling na mula sa COVID-19.
Sa madaling salita, kahit na ang ilang pananaliksik ay maaaring magmungkahi na ang muling pagkakaroon nang impeksyon ay maaaring mangyari pagkatapos ang paggaling mula sa COVID-19, kailangan pa rin ng karagdagang pananaliksik upang matukoy kung gaano kalaki ang tyansa na magkaroon muli ng impeksyon at kung gaano katagal ang immunity sa sakit. Kahit na pagkatapos ninyong makabawi mula sa COVID-19, nasa pinakamahusay na interes ng inyong sarili at mahal sa buhay na patuloy na pagsuot ng face mask, madalas na paghuhugas sa iyong mga kamay, at ang pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang distansya mula sa inyong sarili at sa mga taong hindi ninyo kasama sa bahay.