Bumalik sa panimula

Medikal

Kapag nakasuot ako ng face mask, nakakahinga ako ng carbon dioxide at hindi nakatatanggap ng sapat na oxygen. Totoo ba ito?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang pagsusuot ng face mask ay hindi nakatataas sa carbon dioxide (CO2) na inyong nahihinga. Dahil ang face mask ay hindi kasingsikip sa puntong hindi na makakadaraan ang hangin, ang carbon dioxide ay ganap na nakatatakas sa hangin at sa paligid ng face mask kapag kayo ay humihinga o nagsasalita. Ang carbon dioxide ay napakaliit kaya madali itong makadaraan sa anumang materyal na tela ng face mask. Ang kaibahan lamang ay, ang SARS-CoV-2 na siyang virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19 ay mas malaki kaysa sa CO2, kaya hindi ito maaaring makadaraan nang madali sa dinisenyo at maayos na nakasuot na pantakip sa mukha.

Tingnan din:

Epektibo nga ba ang face mask sa pagbawas ng pagkalat ng COVID-19?
Ano ang pinakamabisang uri ng face mask na dapat kong gamitin?
Source: CDC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo