Paano ko kakausapin ang aking pamilyang hindi naniniwala sa pandemyang COVID-19?
Isa sa mga natatanging bagay tungkol sa pandemyang COVID-19 ay ipinakita nito kung gaano kaiba ang bawat isa, partikular na kung saan kumukuha ng impormasyon at kung paano nagpo-proseso ng mga bago at kumplikadong mga konsepto, na sa kasong ito ay tumutukoy sa isang pandaigdigang krisis sa kalusugan .
Ang pagpapaliwanag sa kalubhaan ng pandemyang COVID-19 ay mahirap talakayin. Mahalagang malamang ang bawat isa ay may iba-ibang pananaw at iba-ibang ring paraan ng pagharap sa mga sitwasyong walang kasiguraduhan at nakakabahala.
Ang pag-uusap tungkol sa pandemya ay dapat naglalayong magtaguyod ng empathy at magturo. Narito ang ilang mga katotohanan na maaari ninyong ibahagi sa inyong mga mahal sa buhay:
- Hanggang noong Disyembre 19, 2020, ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay tumaas ng higit sa 17.3 milyon at 312,636 ang namatay. 1 sa bawat 1,100 Pacific Islander na American ang pumanaw at 1 sa bawat 1,925 Asian American ang nawalan ng buhay.
- Binubuo ng mga Pilipino ang kabuuang 4% ng mga nars sa Estados Unidos, at humigit-kumulang na 30% ng mga nars na pumanaw dahil sa COVID-19 ay Pilipino. Ang pandaigdigang krisis pangkalusugang ito ay lubhang nakaapekto sa ating lahi. Ang isang website na tinawag na Kanlungan ay naggunita ng mga Pilipinong nagapi ng COVID-19 habang nagsisilbi bilang frontline healthcare worker.
- Ang mga karagdagang mapagkukunan tulad ng LA Times ay nagbahagi na sa 48 na mga Pilipinong Amerikano na may kumpirmadong mga kaso ng COVID-19, 19 ang namatay (Hulyo 2020).
- Inihayag din ng UC Davis Bulosan Center for Filipinx Studies na mas nanganganib ang mga Pilipino dahil sa mga kundisyon tulad ng pagiging undocumented o walang legal na katayuang manatili sa Estados Unidos, pagtatrabaho bilang mga healthcare worker, kahirapan at kawalan ng seguridad pang-ekonomiya, pagkakaroon ng pre-existing medical condition, at kawalan ng health insurance.
Bagaman nakaaalarma ang datos, hindi natin nais na magdulot ng pagkabalisa sa komunidad, kundi higit na turuan ang bawat isa sa katotohanan ng COVID-19 upang makagawa tayo ng mga kinakailangang hakbang upang manatiling ligtas.
Ang pagkakaroon ng empathy at pag-uuna ng kahalagahan ng pakikipag-usap ay lubos na importante sa panahon ngayon, lalo na pagdating sa mga paksang divisive o may iba’t-ibang panig at pinagmulan. Isa sa mga bagay na maaari ninyong gawin ay magkaroon ang "dialectical" na pananaw, na nangangahulugang kayo ay bukas ang isip sa ibang panig nang walang kinikilingan o pinapakitang mas mahusay kaysa sa pananaw ng iba. Mahalagang isaalang-alang na ang bawat isa ay may sari-sariling katotohanan o pinagmulan, na kailangang pakinggan at intindihin.
Nangangahulugan ito na ang pakikinig sa katotohanan sa likod ng matinding takot at kawalan ng pagtitiwala ng ilan sa mga miyembro ng inyong pamilya at mga malalapit na kaibigan tungkol sa mga bagay na hindi nila nauunawaan o mga kinaiinisan sa paraan ng pangangasiwa ng mga awtoridad sa pandemyang COVID-19. Marahil sila ay may labis na takot at kawalan ng pagtitiwala sapagkat sa kanilang karanasan ay wala silang natanggap na wastong pangangalagang medikal na kailangan nila, na marahil sila ay na-disenfranchise ng ekonomiya o baka nakaranas ng diskriminasyon habang humihingi ng tulong medikal.
Subuking magmula sa isang pananaw ng pagiging bukas at unawain na ang miyembro ng inyong pamilya ay maaaring hindi naniniwala sa kalubhaan ng COVID-19 dahil sa iba’t-ibang kadahilanan (relihiyon, background ng pagkabata, atbp.) At tulungan silang makita rin ang inyong pananaw. Subuking hanapin ang pagkakapareho sa inyong mga karanasan at maaaring maging madali na mahimok silang seryosohin ng mga aspeto ng pandemya, lalo na pagdating sa pagpapanatiling ligtas ng kanilang mga sarili at mga mahal sa buhay.
Ang pinakamahalagang bagay ay hindi ang manalo sa debate laban sa mga miyembro ng pamilya, ngunit upang magkasundo-sundo na inyong aalagaan ang bawat isa at pananatilihing ligtas ang lahat, lalo na ang mga high risk na makakuha ng matinding karamdaman mula sa COVID-19.
Sources: CDC, AMP Research Lab, CNN Health, LA Times