Paano isinasaalang-alang kung sino ang unang makakukuha ng mga COVID-19 vaccine?
Mula nang dumating ang pandemya, ang Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP) ay nagsusuri ng datos tungkol sa COVID-19 at ang mga dine-develop na vaccine na panlaban dito. Bago gumawa ng mga opisyal na rekomendasyon, plano ng ACIP na suriin ang lahat ng magagamit na materyal upang makagawa ng informed at etikal na desisyon. Nilalayon ng ACIP na gumawa ng isang desisyon na makakapag-maximize ng mga benepisyo at mami-minimize ang pinsala, nagtataguyod ng hustisya, nagpapagaan ng mga hindi pagkakapantay-pantay sa kalusugan, at nagtataguyod ng transparency.
Ang mga pangkat na maaaring isaalang-alang para sa maagang pagbabakuna kung ang suplay ay limitado ay ang mga sumusunod: mga healthcare worker; mga manggagawa sa mahahalaga at kritikal na industriya; mga taong may mataas na peligro para sa matinding sakit na COVID-19 dahil sa mga pre-existing medical condition; at mga taong 65 taong gulang pataas.
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa: