Bumalik sa panimula

Medikal

Paano ko malalaman kung ang mga COVID-19 vaccine ay ligtas?

Ang kaligtasan ang pangunahing prayoridad ng mga federal partner habang nagde-develop sila ng COVID-19 vaccine. Sa ngayon, may ilang mga COVID-19 vaccine ang sumasailalim sa mga clinical trial na may libu-libong mga kalahok upang makabuo ng data upang matukoy ng Food and Drug Administration (FDA) ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga COVID-19 vaccine. Ang FDA ay nagtatag ng masusing mga alituntunin na kinakailangang sundin ng mga nagaganap na vaccine trial.

Matapos ang isang bakuna sa COVID-19 ay naaprubahan at magagamit sa U.S., inirerekomenda ng FDA ang patuloy na mga pagsusuri para sa kaligtasan. Ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay nagtatrabaho upang palawakin ang mga sistema ng pagsubaybay sa kaligtasan upang matiyak ang kalusugan ng mga tumatanggap ng bakuna.

Source: CDC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo