Bumalik sa panimula

Mental Health at Wellness

Ako ay isang undocumented na walang health insurance. Paano ako makakakuha ng mga mental health service?

Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay nasa krisis ngayon at nangangailangan ng agarang tulong, tumawag sa 911.

Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay nakararanas ng labis na stress at/o nagkakaroon kayo na kagustuhang saktan ang inyong sarili o ibang tao, tumawag sa Los Angeles County Department of Mental Health 24/7 Access Center Helpline sa 800-854-7771, sa National Suicide Prevention Lifeline na 800-273-8255, sa Trans Lifeline na 877-565-8860, sa Substance Abuse at Mental Health Services Administration (SAMHSA) Disaster Distress Helpline na 800-985-5990, o i-text ang "LA" sa 741741 upang makakausap ng Crisis Text Line na tagapayo.

  • Ang Search to Involve Pilipino Americans (SIPA) ay may mental health program kabilang ang mga psychosocial assessment, in-home na counseling, ugnayang pampamayanan, pagsasanay sa mental health first aid, at mga presentasyong pang-edukasyon.

PAUNAWA: Hindi ito komprehensibo at kumpletong listahan. Patuloy kaming magdaragdag ng mga serbisyo dito.

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Related articles