Isa akong gig worker na walang health insurance. Saan ako makahahanap ng mga libreng mental health service?
Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay nasa krisis ngayon at nangangailangan ng agarang tulong, mangyaring tumawag agad sa 911.
Kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay nakaramdam ng labis na stress at/o nagkakaroon ng kagustuhang saktan ang inyong sarili o ibang tao, tumawag sa Los Angeles County Department of Mental Health 24/7 Access Center Helpline sa 800-854-7771, sa National Suicide Prevention Lifeline na 800-273-8255, sa Trans Lifeline sa numerong 877-565-8860, sa Substance Abuse at Mental Health Services Administration (SAMHSA) Disaster Distress Helpline sa 800-985-5990, o i-text ang "LA" sa 741741 upang makakausap ng Crisis Text Line na tagapayo.
Maraming mga libre o murang mga mental health service sa Los Angeles County.
- Kung kayo ay frontline health worker, ang COVID19CounselingCA.org ay nag-aalok ng libreng short-term na psychological support. Mag-sign up para sa programang ito sa kanilang website.
- Ang National Alliance on Mental Illness (NAMI) ay may hotline na (800) 950-6264 na bukas tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 a.m. hanggang 3:00 a.m. Maaari kayong makakuha ng impormasyon tungkol sa mga mental illness at referral, mga support group at iba pang mga resource.
- Ang
- Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA) ay mayroong 24/7 hotline para sa mental health na maaabot ninyo sa (800) 662-4357. Nag-aalok din ang SAMHSA ng isang Behavioral Health Treatment Locator.
- Ang Headspace at LA County Department of Mental Health ay nagtulungan upang magbigay ng suporta at mga resource sa panahong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa mga pagsasanay sa meditation, sleep, at paggalaw. Lahat ng ito ay libre sa buong 2020.
PAUNAWA: Hindi ito komprehensibo at kumpletong listahan. Patuloy kaming magdaragdag ng mga serbisyo dito.