Anong mga resource para sa mental health sa LA ang makakatulong sa aking maka-agapay sa COVID-19?
Kung kayo o ang inyong kakilala ay nahihirapang harapin ang stress mula sa COVID-19, ang Los Angeles County Department of Mental Health (LACDMH) ay maaaring magbigay ng karagdagang suporta anumang oras.
Tumawag sa 800-854-7771 o bisitahin ang DMH.LACounty.gov
Ang LACDMH ay nakipagtulungan sa Headpace, isang app na nag-aalok ng mga koleksyon ng resource para sa mindfulness at meditation, upang magbigay ng suporta at mga resource sa makayanan ang hamon ng COVID-19. Ang mga users na nakatira sa Los Angeles ay maaaring mag-sign up para sa kanilang mga serbisyo at maka-access sa daan-daang mga gabay sa meditation sa mga wikang Ingles at Espanyol, pati na rin ang mga paggalaw at pagsasanay sa pagtulog upang makatulong na maka-agapay sa stress, takot at pagkabalisa na kaugnay sa COVID -19. Maaari kayong mag-sign up dito. Mayroon ding bagong serye sa Netflix ang Headspace, na naglalayong makatulong sa mga baguhan sa pagme-meditate.
Ang LACDMH ay bahagi din ng COVID-19 Mental Health Resource Hub ng PsychHub, na nakatuon sa pagbibigay ng libreng resource upang matulungan ang mga tao na matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa mental health sa panahon ng pandemyang COVID-19.
Bilang karagdagan, ang 211 LA ay nagtipon ng isang listahan ng mga resource para sa mental health mula sa adbokasiya at kalusugan ng pasyente, paggamot, paggamot sa substance use, mga hotline at krisis, mga kondisyon at disorder, mga pasilidad sa substance use, mga pangkat ng counseling at support group, mga pagsusuri sa mental health, at mga pasilidad para sa mental health.
Source: Los Angeles County Department of Mental Health, Headspace, 211 LA