Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa COVID-19 at domestic violence?

Ang panahon ng pandemyang COVID-19 ay mahirap para sa ating lahat. Dahil sa krisis pangkalusugan na ito, ipinanunukalang mag-distansya ang mga tao at manatili sa bahay nang mahahabang panahon.

Itinuturing ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang domestic violence o karahasan sa tahanan bilang isang seryosong panganib sa kalusugan ng tao. Ang domestic violence ay maaaring maganap sa pamamagitan ng mga pang-aabuso o pagpapabaya sa mga bata, pisikal o emosyonal na karahasan sa karelasyon, at pang-aabuso o pagpapabaya sa mga matatanda.

Dahil sa COVID-19, maaaring mawalan ng access sa tulong ang mga taong nakararanas ng domestic violence dahil limitado ang kanilang pakikipag-ugnay sa labas ng bahay, o maaaring hindi sila makahanap ng matatakbuhan nang ligtas dahil sa mga panukalang mag-distansya mula sa mga awtoridad.

Maaari ring gamitin ng mga abuser o taong nagsasagawa ng karahasan ang pagdidistansyang sosyal upang magkaroon sila ng higit na kontrol, sa pamamagitan ng pagkakait ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 at pagbabahagi ng maling impormasyon upang lalong matakot at mapahiwalay ang kanilang biktima.

Maaari ring makaapekto ang COVID-19 kapag hindi matuloy sa pinaplanong pag-alis ang mga taong nakararanas ng domestic violence, dahil maaaring nag-aalala sila na ang mga programa tulad ng mga shelter at mga counseling center ay hindi bukas upang sumaklolo dahil sa ipinatutupad na panukalang pagdistansyang sosyal.

Kung kayo o ang inyong kakilala ay nagpaplanong tumakas mula sa domestic violence o intimate partner violence, narito ang ilan sa mga bagay na maaari ninyong gawin:

  • Lumikha ng plano kung paano kayo, kasama ang iyong mga dependent, ay maaaring manatiling ligtas habang kayo ay nasa inyong kasalukuyang sitwasyon, kung kailan ninyo balak na umalis, at pagkatapos ninyong umalis.
  • Siguruhing alagaan ang inyong sarili at tugunan ang mga personal na pangangailangan tulad ng tamang pahinga at pagkain, at sanayin ang pag-aalaga sa sarili sa kabila ng kinakaharap.
  • Kung ligtas para sa inyo na gawin ito, makipag-ugnay sa mga taong pinagkakatiwalaan ninyo para sa tulong at siguruhing matatag ang makabuluhang koneksyon sa inyong mga mahal sa buhay.

Kung nakaranas o nakararanas kayo ng domestic violence sa inyong sariling tahanan, mahalagang malaman ninyo na hindi kayo nag-iisa.

Nasa mga kamay ninyo ang kakayahang humingi ng tulong sa pamamagitan ng mga taong pinagkakatiwalaan ninyo at mga organisasyong nakatutok sa pagdadala sa kaligtasan ng mga taong nakararanas ng pisikal na pananakit sa mga sitwasyong pantahanan.

Para sa mga specific na resource, magtungo sa: "Anong mga resource ang available para sa mga biktima ng domestic violence?”

Source: CDC

360005752296__5_FINAL.png
Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo