Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Bakit mapanganib ang domestic violence sa panahon ng COVID-19?

Ang pandemyang COVID-19 ay nagpadami at nagpalala ng mga uri ng stress na nararanasan ng mga tao na nakadaragdag sa pagkakataong magkaroon ng hidwaan at karahasan sa loob ng tahanan.

May mga taong na-furlough at maaaring nawalan pa ng trabaho dahil sa pandemya. Ang kawalan ng katiyakan na matugunan ang pangangailangan ng pamilya ay maaaring maging sanhi ng pagkabalisa kahit sa pinakamapayapang mga pamilya.

Bukod pa rito, mas matagal nananatili sa bahay ang mga tao dahil sa panukalang pagdistanyang sosyal, at napilitan ang marami na mag-adjust sa pagtatrabaho at pag-aaral sa bahay, kayaā€™t mas madalas ang mga pagkakataong maganap at maranasan ang domestic violence.

Ang matagal na pagkahiwalay sa mga kaibigan at mahal sa buhay sa labas ng pamilya, pati na rin ang mga epekto ng pananatili sa loob ng mahabang panahon, ay maaaring makapagdulot ng pagkainip sa bahay at magpalala ng mga hidwaan na nagreresulta sa pisikal na karahasan.

Kung nakaranas o nakararanas kayo ng karahasan sa inyong sariling tahanan, mahalagang malaman ninyo na may matiwasay na paraan ng pagharap sa hidwaan ng pamilya. Hindi dapat humantong sa pisikal na karahasan ang mga isyu sa pagitan ng mga mahal sa buhay.

Mahalagang malaman ninyo na ang pag-uulit ng pananakit ng isang tao upang makuha ang kanilang gusto, lalo na kung ito ay nangyayari na bago pa man ang COVID-19, ay hindi tama at walang sinuman ang karapat-dapat tratuhin nang ganito anuman ang sitwasyon.

Nasa mga kamay ninyo ang kakayahang humingi ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan ninyo at mga organisasyong nakatutok sa pagdadala sa kaligtasan ng mga taong nakararanas ng pisikal na pinsala sa mga sitwasyong pantahanan .

Mangyaring basahin ang "Anong mga resource ang available para sa mga biktima ng domestic violence?"

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa: Johns Hopkins Medicine, UN Women

360005633175__6_FINAL.png
Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo