Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Ano ang mga halimbawa ng pagtugon ng mga pamahalaan at civil society organization sa domestic violence?

Ang mga samahan ng mga pamahalaan at civil society organization ay sumusubok ng mga paraan upang matugunan ang domestic violence o karahasan sa tahanan sa pamamagitan ng pagtiyak sa kaligtasan ng mga kababaihan, na makagawa ng mga makabagong solusyon tulad ng isang virtual na sistema ng hustisya.

Halimbawa, sa Canada, ang mga shelter ay nanatiling bukas sa kasagsagan ng COVID-19 lockdown, dahil itinuturing na essential service ang mga ito sa lalawigan ng Quebec at Ontario. Naglaan ang gobyerno ng Canada ng 50 milyong dolyar upang suportahan ang mga shelter na katulad nito.

Sa Espanya, nagtatampok ang isang geolocation messaging service ng isang chat room na nag-aalok ng suportang sikolohikal para sa mga survivor.

Sa Colombia, nagpasa ang mga opisyal ng isang batas upang matiyak na walang patid ang virtual access sa mahahalagang serbisyo kabilang ang legal na payo at iba pang mga serbisyo para sa hustisya.

Source: UN Women

360005633275__13_FINAL.png
Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo