Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Paano ko matutulungan ang aking kakilala na nakararanas ng domestic violence sa panahon ng COVID-19?

Kahit pinanunukala na maghiwalay ang mga tao sa isa't isa nang dahil sa COVID-19, hindi nito napipigilan ang pagdami ng kaso ng domestic violence. Ang mga hakbang na lockdown at quarantine ay nakadaragdag sa panganib ng pang-aabuso at karahasan sa tahanan. Ang pagsasara ng mga paaralan at mga lugar na nag-aalaga sa mga bata ay nakadaragdag din ng stress sa bahay.

Kung may kilala kayong nakararanas ng domestic violence sa kasagsagan ng COVID-19, ang National Network to End Domestic Violence (NNEDV) ay may mga sumusunod na payo upang matulungan ang taong nangangailangan:

  • Tanungin sila kung paano nila nais makipag-ugnay
  • Panatiliing bukas ang pakikipag-usap sa kanila
  • Iparamdam sa kanila ang inyong suporta
  • Tulungan silang humanap ng paraan upang maging ligtas habang may COVID-19
  • Tulungan silang humanap ng domestic violence helpline na malapit sa kanilang komunidad o lugar

Ang mga sumusunod na organisasyon ay mga resource para sa mga biktima ng domestic violence:

  • Crisis Text Line (i-text ang HOME sa 741741)
  • National Parent Hotline: 1-855-427-2736

Para sa karagdagang resources, magtungo sa: "Anong mga resource ang available para sa mga biktima ng domestic violence?"

360005633255__12.png
Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo