Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili mula sa domestic violence sa panahon ng COVID-19?
Para sa mga survivor ng domestic violence, mahalagang malaman ninyo na ang isolation at ang panukalang pagdistansyang sosyal ay maaaring makaapekto sa inyong mental health at sa mabuting lagay ng inyong pamilya.
- Subukang bawasan ang stress hangga't maaari sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, pagsayaw kasama ang pamilya, pag-awit sa karaoke, at pagre-relax o pagme-meditate.
- Bantayan ang mga palatandaan ng domestic abuse at makipag-ugnayan sa mga pinagkakatiwalaang kapamilya o kaibigan para sa tulong o suporta, at gumawa ng plano upang protektahan ang inyong sarili at ang inyong mga anak kapag ang inyong karelasyon ay nananakit sa pamamagitan ng verbal at/o emotional abuse, pinagbabantaan kayo, nagkakaroon ng mga pabugso-bugsong galit, o nananakit ng mga alagang hayop.
- Kung kinakailangan, gumamit ng lihim na salita o parirala upang ipahiwatig na kailangan ninyo ng tulong at kabisaduhin ang mga numero sa telepono ng mga tao pati na ang mga ahensya na maaaring ninyong tawagan sa panahon ng emergency.
- Siguraduhing madali ninyong ma-access ang cash, mga dokumento ng personal na pagkakakilanlan kasama ang iyong social security card at driver’s license, mga sertipiko ng kapanganakan at kasal, mga credit card, impormasyon sa bangko, mga susi ng safety deposit box (kung mayroon), impormasyon sa health insurance, at anumang dokumentasyon (halimbawa, mga larawan, mga ulat ng doktor o pulis, at iba pa) na kaugnay sa mga nakaraang pagkakataon ng pang-aabuso.
- Alamin ang mga resource na available para sa inyo at humingi ng suporta mula sa isang hotline, shelter, o iba pang mga serbisyong pangkalusugan o proteksyon kung kinakailangan.
Para sa impormasyon at payo, maaari kayong tumawag sa National Domestic Violence Hotline sa 800-799-7233 (SAFE). Para sa mga specific na resource, mangyaring tingnan din ang "Anong mga resource ang available para sa mga biktima ng domestic violence?"
Source: Pan American Health Organization, John Hopkins Medicine