Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Bakit tinatawag na shadow pandemic ang domestic violence?

Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa sa simula ng pandemyang COVID-19, ang domestic violence partikular ang karahasan laban sa kababaihan at mga kabataan ay tumindi, at itinuturing itong shadow pandemic.

Sa panahon ng pandemya at iba pang mga krisis na humanitarian, ipinakita ng mga pag-aaral na ang stress mula sa paghihirap dahil sa ekonomiya, pagkawalay sa komunidad, at paghihigpit sa paglabas ay maaaring magpalala ng problema ng domestic violence, lalo na’t maraming biktima ang nakakulong sa bahay kasama ang kanilang abuser, at maaaring limitado ang access nila sa mga serbisyo na maaaring makatulong sa kanila.

Sa nagdaang 12 buwan ayon sa UN Women, 243 milyong kababaihang may edad 15-49 sa buong mundo ay nakaranas ng sekswal at/o pisikal na karahasan na isinagawa ng isang malapit na karelasyon o kakilala at ang bilang na ito ay inaasahang tataas pa habang ang seguridad, kalusugan, at ang pag-aalala tungkol sa pera ay nagpapa-igting ng stress at pag-aaway.

Ang ating kultura ay lubos na nakakaapekto sa pag-uulat ng mga kababaihan at kabataan tungkol sa mga karanasan nila kaugnay sa domestic violence. Batay sa mga pag-aaral na isinagawa ng Philippine Commission on Women, ang mga taong nakararanas ng domestic violence ay may mababang pag-uugali ng paghingi ng tulong dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  • pagsasarili o pag-iinternalize ng kakayahan ng kababaihan na magdusa nang tahimik
  • takot para sa personal na kaligtasan, pagkasira ng reputasyon ng pamilya, pagkiling ng awtoridad sa maykapangyarihan, at paghihiganti ng maysala
  • kawalan ng kumpiyansang makatatanggap ng tulong mula sa mga awtoridad o itinalagang service provider
  • kulang ang kaalaman sa mga available na serbisyo at mga proteksiyon na maaari nilang mahingi mula sa mga kinauukulan

Kung naranasan ninyo o kasalukuyang nararanasan ito sa inyong malapit na relasyon, hindi kayo nag-iisa at maaari kayong humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa National Domestic Violence Hotline sa 800-799-7233 (SAFE). Para sa mga specific na resource, mangyaring tingnan din ang "Anong mga resource ang available para sa mga biktima ng domestic violence?”

Source: UN Women, Philippine Commission on Women

360005752256__2_FINAL.png
Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo