Bumalik sa panimula

Medikal

Kailangan ko bang magpakuha ng antibody test?

Ang nasal swab test, o PCR test, ay nakatutukoy kung ang isang tao ay kasalukuyang may COVID-19 at ito ang inirerekomenda para sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng COVID-19, o sa mga taong nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na malaki ang tsansang makakuha ng COVID-19. Ang antibody test ay nakatutulong na matukoy kung nagkaroon na ng COVID-19 ang isang tao, o kung sila ay nakakuha ng COVID-19 noon at gumaling na.

Ang antibody test ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo. Sa ngayon, hindi pa sigurado na ang presensya ng antibodies sa isang tao ay nakatutulong upang hindi na muling makakuha ng COVID-19 sa hinaharap. Ang pagkuha ng antibody test ay pinapagawa lamang ng mga doktor sa mga asintomatikong tao na may COVID-19, kaya mas madalas na pinapagawa ang nasal swab test para sa mga taong nais malaman kung may COVID-19 sila.

Source: CDC, LA Public Health

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo