Sino ang dapat magpakuha ng COVID-19 test?
Ang nasal swab test, o PCR test, ay nakatutukoy ng kasalukuyang pagkahawa ng COVID-19 at inirerekomenda ito sa mga taong sintomatiko o may nakikitang sintomas ng COVID-19, mga taong nakasalamuha ng mga may COVID-19, at mga taong asintomatiko o hindi nagpapakita ng sintomas na nakatira o nagtatrabaho sa mga high risk na lugar.
Karamihan ng mga tao ay makakukuha ng resulta ng kanilang COVID-19 sa loob ng 24 hanggang 48 oras. Kung kayo ay nakasalamuha ng mga taong positibo na may COVID-19, agad na bumukod sa mga kasama sa bahay nang 14 na araw o hanggang payuhan ng inyong doktor.
Magtungo sa LA County Testing website o tumawag sa 2-1-1 upang makahanap ng testing center na pinakamalapit sa inyo. Kung kayo ay nakatira sa Carson, ang pinakamalapit na testing center ay ang Angeles Community Health Center, sa 1030 W Gardena Blvd.
Source: LA Public Health
Translation reference: Diksyonaryong COVID-19