Kailangan ko bang magpakuha ng COVID-19 test bago lumipad nang international?
Bagong update na inilabas noong Enero 1, 2021:
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas:
Ang Estados Unidos ay kabilang sa mga bansang napapailalim sa Travel Restrictions and Information for Passengers Transiting Concerned Areas. Ito ay batay sa inilabas ng Malacañang Palace Memorandum noong Disyembre 29, 2020 tungkol sa regulasyon ng pagpasok para sa mga manlalakbay mula sa o pag-transit mula sa mga lugar may naiulat na mga kaso ng bagong variant ng COVID-19. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang sumusunod:
Simula noong Nobyembre 21, 2020, may inilabas na bagong Travel Health Notice system para sa COVID-19 ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na naglilista ng mga rekomendasyon para sa COVID-19 testing bago o pagkatapos ng internasyonal na paglipad. Inirerekomenda na ngayon ang mga manlalakbay ay kumuha ng isang COVID-19 test sa loob ng 1-3 araw bago ang kanilang flight upang mabawasan ang pagkalat ng sakit habang sila ay naglalakbay. Dapat din silang kumuha ng test 3-5 araw matapos ang paglalakbay, at manatili sa bahay nang hindi bababa sa 7 araw. Gayunpaman, kung ang manlalakbay ay hindi kumuha ng COVID-19 test, inirerekomenda na manatili sila sa bahay nang hindi bababa sa 10-14 na araw.
Bukod sa pagkuha ng COVID-19 test, ang mga manlalakbay ay dapat ding gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang mga pagkakalantad at maiwasan ang mga aktibidad na nakadaragdag sa peligro na sila ay makakuha ng COVID-19 nang hindi bababa sa 14 na araw bago ang kanilang iskedyul na paglipad. Kung nakararanas sila ng mga sintomas ng COVID-19, lumabas na positibo para sa COVID-19, nakasalamuha ng taong may COVID-19, o naghihintay para sa mga resulta ng COVID-19 test na malaki ang tsansang lumabas na positibo, dapat na i-cancel ng mga manlalakbay ang lokal o internasyonal na paglalakbay.
Mahahalagang hakbang ito upang makontrol ang karagdagang pagkalat ng COVID-19.
Bukod dito, ang mga manlalakbay na lumilipad sa buong mundo ay dapat kumonsulta sa bawat airline, transiting airport at panghuling destinasyon para sa pinakabagong mga alituntunin para sa kaligtasan bago simulan ang kanila paglalakbay.
Source: CDC