Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili habang sumasakay ako sa pampublikong transportasyon?
Hinihikayat ng Los Angeles County Department of Public Health ang mga miyembro ng komunidad na gawin ang kanilang parte upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagdidistansyang sosyal, kabilang ang pag-iwas sa anumang hindi kinakailangang paglalakbay.
Kung gumagamit kayo ng pampublikong sasakyan upang pumunta sa mga pamilihan, magtrabaho, o lumahok sa iba pang mga aktibidad, inirerekomendang magsuot kayo ng mga personal protective equipment o kagamitang pamproteksiyon sa sarili, tulad ng mga face mask, face shield, at/o guwantes, kung mayroon.
Hangga't maaari, subukang limitahan ang tagal ng inyong pakikisalamuha sa ibang tao, tumayo o umupo nang hindi lalapit sa anim na talampakan mula sa ibang tao na hindi ninyo kasama sa bahay.
Panatilihin ang pagdidistansyang sosyal, lalo na kung hindi sila nagsusuot ng pantakip sa mukha at umuubo o bumabahing nang walang takip ang ilong at bibig. Subukang i-skedyul ang iyong mga esenyal na lakad sa oras na hindi gaanong matao sa mga pampublikong lugar.
Kung may kakayahan at pasok sa badgyet, subukang mag-imbak ng mga esenyal na suplay upang hindi na kailangang lumabas nang madalas.
Gayundin, iwasang humawak sa mga surface ng pampublikong lugar at magdisimpekta ng mga tray at cart na inyong gagamitin. Panatilihing malinis ang inyong mga kamay. Idisimpekta ang inyong mga kamay pagkatapos hawakan ang mga surface sa pampublikong transportasyon o mataong lugar at huwag kumain o hawakan ang inyong mukha nang hindi pa wastong nahuhugasan ang inyong mga kamay.
Basahin din ang: Paano ako maghuhugas ng kamay upang hindi makakuha ng COVID-19?
Source: LA Public Health