Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili habang gumagawa ng mga essential errand?
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), narito ang ilan sa mga bagay na maaari ninyong gawin upang maprotektahan ang inyong sarili kung gagawa ng mga essential errand:
- Una, kung pakiramdam ninyo na masama ang inyong pakiramdam o kayo ay parang magkakasakit, manatili na lamang sa bahay. Ipagawa na lang sa ibang kasama sa bahay ang mahahalagang gawain o gumamit ng mga online na serbisyo hangga’t maaari.
- Kung available, mag-order na lamang online at piliin ang contactless delivery o curbside pickup.
- Kung wala kayong pagpipilian kundi pumunta nang personal, pumili ng oras na hindi matao, mas mabuting magpunta kapag bagong bukas sa umaga o ilang oras bago magsara.
- Magsuot ng personal protective equipment o kagamitang pamproteksiyon sa sarili tulad ng face mask o telang pantakip sa mukha lalo na kung nasa paligid ng mga tao na hindi ninyo kasama sa bahay at kapag nasa loob kayo ng isang tindahan o pasilidad kung saan mahirap magdistansyang sosyal o hindi mabuti ang bentilasyon.
- Masigasig na magsanay ng kalinisang pansarili, tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay at paggamit ng hindi bababa sa 60% na alcohol-based hand sanitizer. Hugasan ang inyong mga kamay ng sabon at tubig nang higit sa 20 segundo (o dalawang buong awit ng Maligayang Bati) sa inyong pag-uwi.
- Kapag mamimili ng grocery, hinihikayat kayong disimpektahin ang shopping cart at magdala ng inyong sariling mga reusable na bag. Panatilihin ang pagdistansyang sosyal at iwasan ang paghawak sa mga bagay na hindi ninyo balak bilhin. Piliin ang paraan ng pagbabayad na walang contact hangga’t maaari, tulad ng self check-out.
Habang ipinapakita ng pananaliksik na mababa ang panganib na makakuha ng COVID-19 mula sa mga produktong pagkain, grocery bag, o packaging ng pagkain, mabuti pa ring hugasan ang inyong mga kamay, sundin ang mga mabuting kasanayan sa paghahanda ng malinis na pagkain, at regular na disimpektahin ang mga counter sa kusina.
Kung tatanggap kayo ng mga pagkain sa pamamagitan ng delivery, limitahan ang inyong pakikipag-ugnay sa mga taong naghahatid ng inyong mga binili. Hangga’t maaari, piliin ang contactless delivery, kung saan iiwanan nila ang inyong package sa inyong pintuan. Linisin ang inyong mga kamay pagkatapos tumanggap ng delivery.
Gumamit ng online banking hangga’t maaari. Mahalagang tandaan na ang oras ng inyong bangko ay maaaring nagbago dahil sa COVID-19, kaya’t mabuting tumawag muna sa inyong bangko kung sila ay bukas sa inyong nais na iskedyul.
Kapag magpapagasolina, disimpektahin ang lahat ng mga surface na inyong mahahawakan at hugasan ang inyong mga kamay pagkatapos.
Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa: CDC