Paano ako magiging ligtas habang gumagamit ng ride sharing?
Kung gumagamit kayo ng mga app para sa ride sharing tulad ng Uber o Lyft upang pumunta sa trabaho o gumawa ng mga essential errand, narito ang ilan sa mga paraan kung paano mapoprotektahan ang inyong sarili:
- Iwasang sumakay kasama ang mga hindi naka-mask na driver o pasahero.
- Iwasang humawak sa mga madalas hawakang surface ng driver at mga pasahero sa loob at labas ng sasakyan. Iwasang dumikit sa mga hawakan ng pinto, bintana, at iba pang mga bahagi ng sasakyan.
- Magalang na tanggihan ang mga libreng bote ng tubig o magasin kapag inalok kayo ng driver.
- Gumamit ng in-app na pamamamaraan ng pagbabayad upang mabawasan ang contact.
- Panatilihin ang pagdistansyang sosyal (hal., Umupo sa likurang upuan na palihis sa driver) at limitahan ang pakikipag-usap sa inyong driver. Iwasan ang mga pooled rides at limitahan ang bilang ng mga pasahero na nakasakay sa inyong ruta lalo na kapag hindi ninyo sila kasama sa bahay.
- Hilingin sa driver na padaluyin ang bentilasyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana kung maaari o pagtatakda ng aircon sa non-recirculation mode upang hindi umiikot ang parehong hangin sa loob ng sasakyan.
- Pagdating sa inyong patunguhan, hugasan nang maigi ang inyong mga kamay ng sabon at tubig nang higit sa 20 segundo at gumamit ng hindi bababa sa 60% na alcohol-based hand sanitizer.
Source: CDC