Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Nagdudulot ba ng higit na maraming kaso ng domestic violence ang COVID-19?

Ayon sa United Nations, nagpapahiwatig ang umuusbong na datos na mula nang sumiklab ang COVID-19, mas dumami ang kaso ng domestic violence.

May mga dahilan na maaaring mag-ambag sa pagtaas ng mga kaso ng domestic violence, kabilang ang pagdami ng mga alalahanin tungkol sa seguridad, kalusugan, at pananalapi, na nakadaragdag sa pag-igting ng tensyon sa pagitan ng mga magkakasama sa bahay maliban pa sa utos sa manatili sa bahay dahil sa pandemya. Mahigit sa kalahati ng populasyon ng mundo ay nasa ilalim ng ibaā€™t-ibang antas ng lockdown simula pa lamang ng Abril.

Hindi man malinaw kung ang mga bagong kaso ng domestic violence ay maaaring umigting dahil dito, hindi rin naman madalas na ang isang taong walang kasaysayan ng pagiging marahas ay magsisimulang manakit sa panahong ito. Gayunpaman, kung ang pang-aabuso sa tahanan ay matagal nang problema sa relasyon, maaaring makapagpalala ang mga epekto ng pandemya.

Habang nakatuon ang atensyon ng sistemang pangkalusugan ng buong mundo sa COVID-19, nagkaroon ng pagtaas ng mga ulat ng domestic violence. Ang nakakasagip-buhay na aruga at suporta para sa mga taong nakararanas ng domestic violence ay maaaring maisantabi kapag ang mga healthcare provider ay abala sa pagsugpo ng tumataas na mga kaso ng COVID-19.

Gayundin, dahil sa pangangailangang mag-distansyang sosyal kabilang ang mga sektor na tumutugon sa mga kaso ng domestic violence, nagiging hamon na magbigay ng nakasasagip at makabuluhang suporta sa mga taong nakararanas ng domestic violence.

Kung naranasan ninyo o kasalukuyang nararanasan ninyo ito sa inyong matalik na relasyon, mahalagang malaman ninyo na hindi kayo nag-iisa at maaari kayong humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa National Domestic Violence Hotline sa 800-799-7233 (SAFE). Para sa mga tiyak na mapagkukunang magagamit, mangyaring basahin ang "Anong mga resource ang available para sa mga biktima ng domestic violence?ā€

Source: Johns Hopkins Medicine, UN Women

360005752276__4_FINAL.png
Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo