Totoo bang mapoprotektahan ako mula sa COVID-19 ng pagturok, paglunok, o pagpahid sa aking katawan ng bleach, mga disinfectant, o alkohol?
Hindi ito totoo, at ito’y mapanganib gawin. Huwag ilagay ang bleach, disinfectant, o alkohol sa inyong katawan dahil maaaring maging sanhi ang mga ito ng malubhang pinsala sa inyong kalusugan. Ang mga sangkap nito ay inilaan upang linisin ang mga surface. Kung nalunok o nakain ninyo ang mga produktong ito, makipag-ugnayan kaagad sa Poison Control sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 222-1222.