Bumalik sa panimula

Medikal

Ako ay bagong panganak. Anong kailangan kong malaman tungkol sa newborn care sa panahon ng COVID-19?

Ang pagkakaroon ng anak sa panahon ng COVID-19 ay nagdadala ng kakaibang mga hamon. Habang ang ilan sa mga resource para sa mga bagong magulang ay tila hindi magagamit dahil sa mga alituntunin sa pagdistansyang sosyal at pag-shelter in place, mahalagang malaman na hindi kayo nag-iisa.

Narito ang ilan sa mga paraan upang maprotektahan ninyo ang sarili at ang inyong sanggol mula sa COVID-19:

Habang walang katiyakan na kayo ay hindi manganganib na makakuha ng COVID-19, kailangan ninyong maunawaan ang mga panganib at planuhin kung paano kayo mananatiling ligtas hangga't maaari. Nangangahulugan ito na kapag naisip ninyo kung sino ang maaaring bumisita sa inyo sa ospital o sa inyong bahay pagkauwi mula sa panganganak, dapat ninyong isaalang-alang na mas malaki ang peligro ninyong makakuha na sakit na COVID-19 kapag nakikisalamuha kayo sa maraming tao, kung gaano kalapit ang pakikisalamuha ninyo sa kanila, kung gaano katagal ang mga pakikipag-ugnay na iyon, at kung gaano sila kadalas dumadalaw sa inyong tahanan.

Dahil sa mga ito, mangyaring limitahan ang mga pakikipag-ugnayan sa mga taong maaaring nagkaroon ng close contact o nahawaan ng COVID-19, kabilang na ang inyong mga kasama sa bahay. Bilang bagong mga magulang, mayroon kayong karapatang magtanong sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya kung ginagawa nila ang kanilang bahagi sa pagbagal ng pagkalat ng COVID-19, kung sila ay nakasalamuha sa taong may o nahawaan ng COVID-19, at kung ano ang resulta ng kanilang COVID-19 test kung nagpakuha man sila kamakailan, bago ninyo sila hayaang lumapit at makita ang inyong sanggol.

Kapag lumalabas o nakikipag-ugnay sa mga taong hindi ninyo kasama sa bahay, patuloy na magsuot ng face mask. Maaaring hindi ito kapalit ng iba pang mga hakbang sa pag-iingat tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa malapit na pakikipag-ugnay sa iba, ngunit magkakaroon kayo ng higit na proteksyon mula sa COVID-19 habang nakasuot ng mask kaysa walang suot na anumang uri ng pantakip sa mukha.

Mahalagang tandaan na ang mga batang wala pang 2 taong gulang ay hindi dapat magsuot ng face mask. Dahil ang mga sanggol ay madalas na gumagalaw, ang paglalagay ng face mask sa kanila ay nakadaragdag ng peligro ng suffocation o pagkasakal. Wala ring datos na sumusuporta sa paggamit ng face shield sa mga sanggol upang maprotektahan sila mula sa COVID-19.

Ngayon higit sa anumang panahon, mahalagang makipagtulungan sa healthcare provider ng iyong anak para sa patnubay sa newborn care. Kakailanganin ninyong dalhin ang iyong sanggol sa regular na mga pagbisita maaring in-person o sa pamamagitan ng telehealth, upang subaybayan ang pag-develop ng inyong sanggol, lalo na sa kanilang pagpapakain at paglaki. Siguraduhin ding makuha ng inyong anak ang mga immunization o pagbabakuna na kailangan nila upang mapaglabanan ang mga sakit.

Ang healthcare provider ng inyong anak ay makapagbibigay sa inyo ng mas personal na payo tungkol sa mga dapat ninyong asahan sa mga unang linggo o buwan ng buhay, at kung paano tugunan ang mga isyu na karaniwan ngunit kailangang subaybayan tulad ng jaundice o paninilaw ng balat, at ibang mga pangkalahatang screening para sa kalusugan.

Kung kailangan ninyong dalhin ang inyong sanggol sa isang healthcare facility para sa healthcare visit, maaari ninyong isaalang-alang ang mga sumusunod na payo:

Source: CDC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo