Bumalik sa panimula

Medikal

Dapat ba akong kumuha ng flu shot ngayon? Paano ito naiiba mula sa COVID-19?

Maraming mga benepisyo ang maaaring makuha mula sa flu shot sa panahong ito, lalo na sa kasalukuyang pandemyang COVID-19. Sa kabilang banda, hindi man nakapagbibigay ng proteksyon ang flu shot laban sa COVID-19, marami pa rin naman ang benepisyong makukuha mula sa pagkakaroon ng bakuna laban sa trangkaso tulad ng mga sumusunod:

  • Ang flu shot ay nakababawas ng panganib na makuha ang pana-panahong trangkaso at pagka-ospital dulot ng trangkaso.
  • Maaari nitong mapalaya ang mga healthcare resource para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ang trangkaso at COVID-19 ay parehong nakakahawang sakit na umaatake sa ating paghinga. Gayunpaman, ang mga ito ay sanhi ng magkaibang virus. Bagaman maaaring magkahalintulad ang mga sintomas ng trangkaso at COVID-19, mayroon din silang mga mahalagang pagkakaiba:

  • Mas madaling kumalat ang COVID-19 kaysa sa trangkaso.
  • Bilang karagdagan, maaaring mas matagal para sa mga taong nahawaan ng COVID-19 na magpakita ang mga sintomas at maaaring mas matagal silang maging nakahahawa.
  • Mayroong available na bakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng trangkaso. Para sa COVID-19, may mga bakunang binigyan ng Emergency Use Authorization ng FDA na magagamit sa pangkalahatang publiko ng Estados Unidos sa isang petsa na kanilang ihahayag. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang impeksyon na ito ay sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkakalantad sa virus.

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa:

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo