Bumalik sa panimula

Medikal

Ano ang kailangan kong malaman tungkol sa flu shot para sa aking mga anak?

Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) para sa bawat 6 na taong gulang pataas na makakuha ng flu shot bawat taon bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Tingnan din: Sino ang nangangailangan ng bakuna sa trangkaso at kailan?

Maaari kayong makakuha ng flu shot sa inyong mga healthcare visit, o sa mga karagdagang lugar na makikita rito.

Ang pagkuha ng flu shot ay maaaring makabawas ng posibilidad na kayo o ang inyong anak na magkasakit, ma-ospital, o sa ilang mga kaso na mamatay mula sa trangkaso. Kapag ang inyong pamilya ay nakakuha ng flu shot, pinoprotektahan din ninyo ang ibang tao sa inyong paligid na maaaring mas mahina ang resistensya laban sa matinding karamdaman mula sa trangkaso, tulad ng mga maliliit na bata, mga buntis, mga matatanda, at ang mga may pre-existing medical condition na nagpapahina sa kanilang immune system.

Sa pagdating ng flu season, lalong mahalaga na makakuha ng flu shot upang matulungan kayong maging malusog pati na ang inyong pamilya. Sa paggawa nito, tinutulungan din ninyo ang inyong lokal na healthcare provider na ituon ang kanilang kakayahan sa paggamot sa mga nakakaranas ng matinding karamdaman mula sa COVID-19. Para sa karagdagang impormasyon kung paano makilala ang mga sintomas ng trangkaso mula sa COVID-19, maaari ninyong basahin:

Para sa karagdagang patnubay, magtungo sa: CDC

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo