Bumalik sa panimula

Legal at Pamahalaan

Ako ay may J-1 visa. Anong gagawin ko kung hindi ako makauwi?

Kung hindi kayo makakauwi sa loob ng 30 araw na palugit pagkatapos ng iyong programa, ito ang ilan sa mga dapat ninyong gawin ayon sa Bureau of Educational and Cultural Affairs:

  • Makipag-ugnayan sa inyong mga sponsor. Dapat itala ng inyong sponsor na nakikipag-ugnayan kayo sa kanila at patuloy kayong humahanap ng mga paraan upang makalabas ng Amerika.
  • Gumawa ng record ng mga kanseladong flight at travel advisory mula sa Pilipinas hangga't maaari.
  • Dapat sumangguni ang inyong sponsor sa website ng Office of Private Sector Exchanges upang makipagugnayan sila sa Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas para sa karagdagang tulong.

Para sa karagdagang detalye, basahin ang Bureau of Educational and Cultural Affairs (ECA) communication na may petsang February 7, 2020 para sa lahat ng mga exchange visitors na kasalukuyang nasa Amerika. Makikita din ang pinakabagong mga update sa website ng ECA. Basahin din ang special situations para sa extension of stay o change of status kasama na ang INA 212(e): Two-Year Home Country Physical Presence Requirement.

Ang artikulong ito ay isinulat at inedit ng Tayo editorial desk at sinuri ng isang independiyenteng panel ng mga eksperto sa paksa.

Matuto pa

Mga kaugnay na artikulo