Nag-overstay ako dahil sa travel restrictions dulot ng COVID-19. Maaapektuhan ba ang aking immigration status?
Una, alamin muna ang kaibahan ng expiration date ng inyong visa at kung gaano katagal kayong pinapayagang manatili sa Amerika depende sa uri ng inyong visa.
Ayon sa Bureau of Consular Affairs, ang visa expiration date ay makikita sa mismong visa kasama ng petsa kung kailan na-issue ang inyong visa o visa issuance date. Ang panahon mula sa visa issuance date at visa expiration date ay tinatawag na visa validity. Ito ay ang panahon na kayo ay pinapayagang maglakbay sa isang port of entry sa Amerika.
Kung kayo ay nanatili sa Amerika matapos ang petsang itinakda ng opisyal ng U.S. Customs and Border Patrol (CBP) noong kayo ay dumating sa port of entry papasok ng Amerika, automatikong makakansela o magiging "void" ang inyong visa maliban na lamang kung nakapag-file kayo ng application for an extension of stay o change of status.
Inirerekomendang gumawa ng record ng inyong orihinal na plano kasama ang lahat ng mga booking at itinerary kung napilitan kayong manatili sa Amerika dahil sa mga travel advisory ng COVID-19 IATF ng Pilipinas o pagkansela ng mga flight ng mga airline dulot ng COVID-19 pandemic.
Inirerekomenda din na sumangguni sa United States Citizenship and Immigration Services (USCIS) bago ang expiration date ng inyong visa. Para sa karagdagang impormasyon sa kung sino ang maaring mag-file ng extension at mga kainakailangang dokumento para suportahan ang inyong application, tingnan ang “How do I Extend my Stay?”